-- Advertisements --

Nasawi ang 24-anyos na kinilalang si Jayson matapos barilin ng kaniyang dating kasintahan na lalaki sa Barangay 4, Lucena City, Quezon, noong Huwebes ng umaga, Marso 5, ayon sa pulisya.

Ayon sa paunang imbestigasyon, pumunta si Jayson sa isang tindahan na pag-aari ng bayaw ng suspek upang isauli sana ang mga damit na hiniram niya mula sa 30-anyos na suspek.

Nagkaroon umano ng alitan sa loob ng tindahan bago barilin ang biktima.

Ayon sa ulat, binunot ng suspek ang baril at pinaputukan si Jayson mula sa likod nito bago tumakas patungong Barangay Gulang-Gulang dala ang armas.

Namatay si Jayson sa mismong lugar.

Sinabi ni PCPT Philipp Hernandez, chief investigator ng Lucena City Police Station, na posibleng ”crime of passion” ang motibo ng pamamaril.

Nabatid rin mula sa mga mensahe na natagpuan ng mga awtoridad na broken ang suspek at ito ang naging dahilan ng kanyang pagkabalisa.

Napag-alaman din mula sa mga saksi na mukhang galit ang suspek matapos ang pamamaril bago lisanin ang tindahan.

Sinusubaybayan naman ng pulisya ang mga CCTV footage para sundan ang kinaroroonan ng suspek matapos ang insidente.