-- Advertisements --

Nanindigan si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo S. Brawner Jr. na walang nangyayaring kudeta sa loob ng kanilang hanay lalo na sa ilalim ng kaniyang liderato.

Ani Brawner, nananatiling tapat sa konstitusyon ang kanilang chain of command at kahit kelan ay hindi hahayaan na magkaroon ng pagaaklas sa loob ng AFP.

Binigyang diin rin ni Brawner ang kahalagahan ng propesyonalismo sa Sandatahang Lakas at ang patuloy na pagsailim ng kanilang hanay sa mga reporma at disiplina.

Kasunod nito ay nanindigan rin ang heneral na nananatiling buo ang kaniyang tiwala sa kaniyang mga tauhan na siyaa aniyang mayroong pagppahalaga sa kanilang integridad, patriyotismo at propesyonalismo.

Samantala, nagbabala naman si Brawner sa mga patuloy na nagpapakalat ng mga maling impormasyon na maaaring pagugatan ng kaguluhan, at isa ding hakbang na siyang nakasisira sa mga institusyong nagsisislbing tagapagbigay ng proteksyon sa mg mamamayan.

Nauna na dito ay hinimok rin ng heneral ang publiko na maging mas maingat sa pagtalakay sa mga sensitibong usapin gaya lalo na kung ito ay may kaugnayan sa national security.

Nagpaalala rin si Brawner na maging mapanuri sa mga nakikita at natatanggap na mg impormasyon at alamin ang totoo at ang tunay na basehan.