-- Advertisements --
Maraming katao ang naiulat na nasugatan sa pagsabog sa International airport ng Riyadh, Saudi Arabia.
Agad na pinalikas ang mga nasa loob ng paliparan matapos ang insidente .
Dahil dito ay itinigil ang operasyon ng King Khalid International Airport sa Riyadh.
Maraming flight na rin ang na-divert na papalapag sana sa nasabing paliparan.
Ang nasabing insidente ay kasunod ng pagtindi ng labanan ng Houthi Rebels mula sa Yemen.
Nagpalabas na rin ng mga travel advisory ang US at United Kingdom sa kani-kanilang mga mamamayan na nasa nabanggit na bansa.
















