-- Advertisements --
Pumanaw na ang aktres na si Hasna Cabral sa edad na 37.
Kinumpirma ito ng kaniyang kaanak matapos na ma-stroke na nakaapekto sa aktibidad ng kaniyang utak.
Nakilala ito bilang si Hasna Usman sa sikat na reality show sa bansa.
Hinangaan ito sa pagbebenta at pagiging single mother sa pagpapalaki ng dalawang anak na sina Basha at Baste.
Dahil sa paniniwalang Islam ay agad nilang inilibing ang bangkay nito.
Hiniling nila ang suporta ng mga fans na irespeto na lamang ang kanilang privacy.
Nilinaw nila na hindi sila humihingi ng anumang halaga ng pera basta ang mahalaga lamang ay ang pagdarasal ay sapat na.
Nakasama na rin ito sa ilang mga pelikula noong 2021 ganun din sa ilang mga telenovela.








