Pasok na umano ang ekonomiya ng Pilipinas sa ‘stagflation’, ayon kay University of the Philippines (UP) School of Economics Associate Professor Dr. Jan Carlo Punongbayan.
Sa ekonomiya, ang stagflation ay isang kalagayan sa ekonomiya kung saan sabay na nangyayari ang mataas na inflation (pagtaas ng presyo ng mga bilihin), mabagal o hindi gumagalaw na paglago ng ekonomiya (stagnant growth), at mataas na kawalan ng trabaho (unemployment).
Hango ito sa pinagsamang salitang Ingles na stagnation at inflation.
Paliwanag ni Dr. Punongbayan, bagama’t positibo pa rin ang paglago ng ekonomiya sa 2.1% noong ikatlong kwarter ng 2026, pasok na ito sa bagong pamantayan ng stagflation dahil mas mababa ito ng 2% kumpara sa 10-year average.
Nangyayari ito habang lagpas sa limang porsyento ang inflation sa buong bansa.
Ayon pa kay Punongbayan, ramdam na rin umano ito ng maliliit na negosyo dahil humihina ang benta at nagtitipid na sa paggastos ang mga mamimili.
Naniniwala naman ang batikang ekonomista na makatutulong sa pagbuti ng ekonomiya sa mga susunod na quarter kung matatapos na ang giyera sa Middle East at ang mga bagong polisiya ni US President Donald Trump na nagpapataas sa mga bayarin ngayong taon.














