-- Advertisements --
Mas mainam umano na isulong ang wealth tax kaysa sa mungkahi ni Sen. Alan Peter Cayetano na boluntaryong mag-ambag ng higit sa P170,000 ang publiko upang mabawasan ang utang ng bansa.
Ito ang inihayag ni Sonny Africa, executive director ng IBON Foundation, kaugnay ng paraan ng pagtugon sa pagkakautang ng pamahalaan.
Ayon sa kanya, mas makabubuting patawan ng buwis ang mga pinakamayayaman sa Pilipinas na may pinakamalaking pakinabang sa ekonomiya.
Sa ganitong paraan, mas nakabatay umano sa kakayahan at pakinabang ang pag-aambag sa pondo ng bansa.









