Tinapos na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang sarili nitong inquiry kay Col. Raymund Dante Lachica, na nananatiling nasa ilalim ng attached unassigned status sa Philippine Army simula noong Oktubre 2025.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Padilla, ipinauubaya na ng militar sa hurisdiksyon ng mga kaukulang ahensya ng gobyerno, partikular ang Office of the Ombudsman, ang imbestigasyon laban kay Lachica hinggil sa kontrobersya sa confidential funds ng Office of the Vice President.
Kasabay nito, tiniyak ng AFP na hahayaan nila si Lachica na humarap at sumipot sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sakaling magpalabas ng subpoena ang Senate Impeachment Court.
Binigyang-diin ni Padilla na iginagalang ng militar ang proseso at sinabing, “We will allow the constitutional bodies to do their work.”
Wala pa namang pahayag sa development na ito ang kampo ni Lachica.
















