Umalma ang kampo ni Senator Jinggoy Estrada laban sa mga kritikong ginagawang katatawanan at hindi siniseryoso ang kasalukuyang kondisyon ng kalusugan ng mambabatas.
Paliwanag ni Dr. Syquia, ang attending physician ng senador, lumabas sa kanilang masusing pagsusuri na mayroong knee joint injury o punit sa kaliwang tuhod si Estrada habang matinding osteoarthritis naman ang naitala sa kaniyang kanang tuhod.
Dahil dito, dumaan sa serye ng mga eksaminasyon tulad ng X-ray, MRI, pag-ineksyon, at iba pang knee medication ang senador sa kaniyang pagpunta sa Cardinal Santos Medical Center ngayong Miyerkules, Agosto 26, 2026.
Sa kasalukuyan, patuloy na nakatutok ang mambabatas sa kaniyang anti-inflammatory medication habang pinapayuhang magpahinga, at nakatakda lamang bumalik sa ospital kung lalo pang lalala ang pananakit o ang napinsalang bahagi ng kaniyang tuhod.
Binigyang-diin ng kampo ni Estrada na totoong medical condition ang pinagdaraanan ng senador at hindi ito dapat ginagawang paksa ng panunuya o politika ng kaniyang mga kritiko. (report by Bombo Genesis Racho)
















