Pinuri ni Faustino Dy III ang pag-apruba ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms sa consolidated Anti-Political Dynasty bill na nagtatakda ng pagbabawal hanggang second degree of consanguinity o affinity.
Sa ilalim ng panukala, hindi maaaring sabay na humawak ng elective posts ang mag-asawa at mga kamag-anak hanggang second degree sa parehong lugar o antas ng pamahalaan. Saklaw nito ang mga pambansang posisyon gaya ng Pangulo, Bise Presidente at Senador, pati na ang mga posisyon sa probinsya, lungsod, munisipyo at barangay.
Ayon kay Dy, isa itong hakbang upang maisakatuparan ang mandato ng Konstitusyon laban sa political dynasties at matiyak ang mas patas na pag-access sa public office.
Kung maisasabatas, ipatutupad ito sa susunod na halalan, at obligadong magsumite ang mga kandidato ng sworn statement sa Commission on Elections na hindi sila lilikha ng ipinagbabawal na political dynasty. (report by Bombo Jai)
















