Apektado ngayon ng umiiral na sama ng panahon dala ng Bagyong Wilma at shear line ang hindi bababa sa 134,000 na mga indibidwal ayon yan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang bilang na ito ay katumbas ng humigit kumulang 44, 378 na mga pamilya na siyang saklaw ng 340 na mga barangay mula sa pitong rehiyon.
Ang mga pamilyang ito ay mula sa mga rehiyon ng Bicol region, Western Visayas, Negros Island, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao at Caraga Region.
Samantala, ayon din sa ahensya, 14,930 na mga indibidwal o 4,633 na mga pamilya ang nananatili sa halos 64 na mga evacuation centers habang 300 naman ang nananatili sa kanilang mga kaibigan o kamag-anak.
Naghanda naman ng halos P1.7 milyong halaga ng mga relief packs ang DSWD para sa mga apektadong lugar.
















