Namahagi ng hindi bababa sa P27 milyong halaga ng humanitarian assistance and Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang apektado at kabilang sa mga nasalanta ng Bagyong Basyang.
Ayon kay DSWD Spokesperson Asec. Irene Dumlao, ang mga humanitarian assistance na naipaabot na sa mga apektadong residnete ay binubuo ng mga family food packs, ready-to-eat food boxes at iba pang non-food items a siyang ipinamahagi sa mga evacuation centers.
Nauna na rito ay kinumpirma rin ni Dumlao na lumipad at nagsagawa ng needs assessments si DSWD Sec. Rex Gatchalian sa Iligan City kung saan humiling ng augmentation support ang lokal na pamahalaan ng Iligan ng karagdagang 2,300 FFP’s para sa kanilang relief operations.
Maliban dito ay nkapaghatid na rin ng tulong ang kanilang ahensya a Misamis Occidental, Misamis Oriental, gayundin sa Agusan del Norte, Surigao del Norte, Surigao del Sur at maging sa Dinagat Islands.
Samantala, nasa higit 3.5 milyong FFP’s naman ang kasalukuyan nang naka-preposition sa mga warehouses ng kanilang mga regional offices para sa mabilis na pagtugon sa mga pangangailangan ng publiko bunsod ng bagyo.
Nakikita naman din aniya na sa kanilang mga nagging pagiikot ay nagging maayos ang mga paghahandang ginawa ng mga lokal na pamahalaan bagamat kailangan pa rin aniyang palakasin pa ito.















