-- Advertisements --

Pinag-aaralang itaas ng mga trucker nang hanggang 50% ang rate o singil nila sa kanilang mga kliyente upang mapunan ang lumalaking gastos.

Sa gitna ‘yan ng inaasahang malakihang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon kay Mary Zapata, pangulo ng Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP), kung matutuloy ang pagtaya na aabot sa P90 ang presyo ng kada litro ng petrolyo, wala silang magagawa kundi magtaas din ng singil.

Bukod umano kasi sa petrolyo, tiyak na tataas din ang iba nilang gastusin tulad ng spareparts, gulong, at langis.

Sinabi pa ni zapata na kahit suspendihin ng gobyerno ang excise tax sa langis ay magtataas pa rin sila ng singil, dahil hindi ito sasapat sa magiging pagtaas ng presyo ng petrolyo.