Lumubo na sa 5,025 ang bilang ng mga indibidwal na natukoy na stranded dahil sa masungit na panahong dala ng bagyong Basyang, batay sa updated report ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ang mga ito ay mula sa Northeastern Mindanao, Southwestern Mindanao, Bicol, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Central Visayas, Southern Visayas, Western Visayas, Palawan, at Southern Tagalog.
Sa mga nabanggit na rehiyon, ang Central Visayas ang nakapagtala ng may pinakamaraming stranded na umabot sa mahigit 1,200 katao.
Sinundan ito ng Western Visayas na nakapagrehistro na ng mahigit 1,000 pasahero.
Maliban sa libu-libong katao, stranded din ang 129 vessel at 16 na motorbanca.
Umabot na rin sa 1,725 rolling cargoes ang na-stranded sa kasagsagan ng bagyo, habang daan-daang maritime vessels pa ang nakikisilong sa iba’t-ibang mga pantalan at pinapalipas ang masungit na karagatan.
Una nang naglabas ang PCG ng no sail policy, ilang araw bago pa man naramdaman ang hagupit ng bagong bagyo.
















