Nananatili ang kumpiyansa ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr na tutupad ang Estados Unidos sa pangako nito sa Pilipinas sa sandaling humantong sa matinding krisis ang sitwasyon sa West Philippine Sea.
Ayon kay Teodoro na mangyayari lamang ito kung pananatilihin ng Pilipinas ang pagiging kalmado nito at hindi gagawa ng anumang hakbang na makasisira sa paninindigan nito na resolbahin ng mapayapa ang usapin at magiging pasimuno pa ng gulo
Dagdag pa nito na walang magbabago sa pangako ng US na tutulungan nito ang Pilipinas hangga’t hindi nito inaamiyendahan ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNLCOS).
Nang tanungin kung hindi ba maiiwasan ang kumprontasyon sa China sa armadong pamamaraan, tiwala ang Kalihim na hindi ito hahayaan ng Pilipinas gayundin ng mga kaalyadong bansa nito
Ginawa ni Teodoro ang pahayag kaalinsabay ng ika-10 taon ng pagkapanalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration kontra sa China sa usapin ng agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea.
















