-- Advertisements --
Dumating na sa Gitnang Silang ang USS Roosevelt bilang bahagi ng regular rotation.
Sa mga susunod din na araw ay makakarating nasabing rehiyon ang dalawa pang ibang strike groups.
Ayon sa White House na kailangan ng US ng tatlong aircraft carries sa Gitnang Silangan para maging epektibo sakaling maglunsad sila ng military operations.
Magugunitang hinihikayat ng Israel ang US na maglunsad muli sila ng pag-atake sa Iran. Nagmamatigas kasi ang Iran na ipinagpapatuloy nito ang paggawa ng kanilang nuclear program.
Una ng sinabi ng Iran na nagkakaroon na ng pag-uusap ang mga mediator sa US para tuluyang matapos na ang kaguluhan doon.















