Ikinakabahala ng International Atomic Energy Agency (IAEA) ang muling pagbuhay ng nuclear facility sa Iran.
Kasunod ito sa hindi pa rin pinapayagan ang mga tauhan ng IAEA na magsagawa ng inspeksyon para matiyak na walang anumang itinatayong uranium enrichment plant sa lungsod ng Isfahan.
Wala rin aniyang alam ang ahensiya kung saan ang eksaktong lokasyon ng nuclear plant ng Iran.
Mula kasi noong sumiklab ang panibagong giyera sa Iran ay pinagbawalan na nila ang mga IAEA inspectors sa mga nuclear sites.
Nakasaad kasi sa 2015 nuclear deal na pumayag ang Iran na limitahan na lamang sa 300 kilograms ang stockpile ng uranium ng Iran.
Bago isinagawa ng US ang June 2025 na strikes ay umabot na sa 441 kilos ng enriched uranium ang Iran kung saan ito ay halos 60 percent na para sa paggawa ng nuclear weapon.
Dahil dito ay naniniwala ang IAEA na itinatago pa rin ng Iran ang kanilang mga nuclear facility.
Magugunitang nag-alok na rin ang US ng $50-milyon na pabuya sa mga makakapagturo sa kinaroroonan ng mga nuclear facility ng Iran.















