-- Advertisements --

Nananatiling kanselado ang lahat ng mga ‘flights’ sa mga paliparan sa buong bansa ng Estados Unidos. 

Matapos ang ilang oras mula nang mag-umpisa ang kanselasyon ng flights sa Amerika, hindi pa rin pinahihintulutan makalipad ang mga eroplano. 

Ayon sa FAA o Federal Aviation Administration, ito’y dahil umano sa ‘extraordinary circumstances’ at sa usapin pangkaligtasan. 

Batay sa inisyal na impormasyon, nag-ugat umano ang ‘nationwide ground stop’ sa naranasan ‘telecommunications outage’. 

Ngunit ayon kay Homeland Security Secretary Markwayne Mullin, ang pangyayari ay walang kinalaman sa banta sa bansa at miski sa ‘Microsoft service outage’. 

Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na tiyak na ‘timetable’ kung kailan tuluyan mareresolba ang naturang pangyayari. 

Gayunpaman, papayagan makabyahe ang mga papaalis na ‘flights’ kung mayroon koordinasyon sa command center Federal Aviation Administration.