-- Advertisements --

Hindi na itutuloy ng Russian stadium ang paghohost nila ng concert ng American rapper na si Ye o kilala bilang si Kanye West.

Ayon sa St Petersburg’s Gazprom Arena na hindi na matutuloy pa ng concert ng American rapper.

Si West sana ang unang American rapper na magtatanghal sa Russia mula ng atakihin nila ang Ukraine sa taong 2022.

Plano kasi din ni West na makabawi sa kaniyang mga negatibong naisambit noon laban sa Russia.

Habang ang pamunuan ng Gazprom Arena ay nakatanggap ng reklamo laban kay West.

Ang nasabing concert nito ay nakatakda sa darating na Oktubre 10 at 11.