-- Advertisements --

Kinondina ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang patuloy na pag-atake ng Russia sa kanila.

Ayon kay Zelenskya na umabot sa 20 katao ang nasawi dahil sa airstrikes ng Russia sa central at eastern Ukraine.

Tinarget ng Russia ang residential building sa Pryluky sa Chernihiv region.

Dagdag pa ni Zelensky na kanilang ginantihan ang Russia sa pamamagitan pag-target sa Perm, Samara at Astrakhan regions.

Dahil dito ay muling nanawagan si Zelensky sa mga kaalyadong bansa na ituloy ang kanilang pagtulong para sa depensa at paglaban sa Russia.