-- Advertisements --

Nakatakdang kausapin ni US President Donald Trump si Russian President Vladimir Putin ukol sa detalye ng pagkasawi ng laboratory workers sa plague research center sa Siberia.

Ayon sa US President na gaganapin ang pagtawag nito ngayong , Huwebes para malaman ang tunay na pangyayari.

Hindi naman kinumpirma ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov na magkakaroon ng pag-uusap ang dalawa sa telepono.

Tiniyak din nito na ang pangyayari ay base sa standard practice mula sa World Health Organization (WHO).

Inakusahan pa nito ang media na naglalabas ng maling impormasyon.

Una ng sinabi ni White House na mayroon na silang diplomatic message sa Russia na humihiling ng dagdag na impormasyon.

Magugunitang iniimbestigahan na ng Russia ang pagkamatay ng 28-anyos na bikitma kung saan ang mga nakasalamuha nito ay nagnegatibo naman sa hinihinala nilang pneumonic plague.

Base sa pagsisiyasat ng WHO na ang pneumonic plague ay mayroong maiksing incubation period sa loob ng 24 oras at ito ay nakakamatay kung hindi agad naagapan agad.