-- Advertisements --

Naipasa na ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang P7.2-trillion budget para sa taong 2027.

Ang nasabing pagpasa ay eksaktong 62 araw matapos na matanggap ng executive spending plan mula sa Department of Budget and Management (DBM).

Nakakuha ang House Bill 10858 ng 281 mambabatas na pumabor, 13 ang kumontra at isa ang nag-abstained.

Paliwanag ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na mula ng maipasa sa House of Representatives noong Agosto ay tiniyak nila ang commitment para sa mamamayang Pilipino na bawat sentimo ng kita nila ay napupunta sa tamang gastusin.

Dahil dito ay ipapasa na nila ang nasabing panukalang batas sa Senado para sa pagsusuri.

Magko-convene ang mga mambabatas para sa joint congressional panel para isagawa ng reconciliation bago tuluyang ipasa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr para sa kaniyang pag-apruba.