-- Advertisements --
Binatikos ni US President Donald Trump si Ukraine President Volodymyr Zelensky matapos ang diesel deal ng US sa Russia.
Ayon kay Trump na dapat ay humanap na ng bagong leader ang Ukraine na kayang makagawa ng kasunduan.
Ipinagmalaki pa ni Trump na hindi ito nagawa ni Zelensky.
Una ng pinuna ni Zelensky ang kasunduan ng US at Russia kung saan dapat ay matapos na ang investment sa giyera at hindi pa ito patatagalin.
Magugunitang ipinagmalaki ni Trump na inaprubahan na ni Russian President Vladimir Putin ang pagsuplay ng 300,000 tonelada ng diesel sa global energy markets at dagdag na 500,000 tonelada sa buwan ng Nobyembre.
Mayroong kabuuang anim na milyong bareles ng diesel ang ibibigay ng Russia na sasakop sa isang araw at kalahati ng US demand.
















