-- Advertisements --

Nagtala ng panibagong record ang singer na si Taylor Swift.

Siya ang pinakabatang female artist na tanghalin sa Songwriters Hall of Fame.

Kasama niya sa listahan ngayong taon sina Canadian-American singer-songwriter Alanis Morissette at Walter Afanasieff na gumagawa ng kanta rin ni Mariah Carey.

Gaganapin ang pagkilala sa New York sa mga darating na buwan.

Ang nasabing pagkilala ay ilang buwan matapos ang tagumpay ng singer ng kaniyang record breaking album na “The Life of a Showgirl” noong Oktubre.