-- Advertisements --
Naiulat na nasawi ang apat na indibidwal sa isang hotel sa Beirut matapos na mataaman ng isang Israeli strike ayon yan sa Lebanon Health Ministry.
Maliban dito, naitala rin ang sampung sugatan sa pambobomba ng Israel.
Batay sa inisyal na impormasyon, ang tinarget na hotel ay kasalukuyang kanlungan ng mga apektado ng digmaan mula sa Southern Lebanon at maging sa Timog na bahagi ng Central Beirut.
Samantala, nitong Lunes naman ay nagpadala rin ng mga rockets at drones ang Iran-backed militant group na Hezbollah sa Israel na siya namang sinagot ng Israel sa pamamagitan ng pagpapaulan ng air strikes sa malaking bahagi ng Lebanon at Beirut.
















