-- Advertisements --
Patay ang dalawang overseas Filipino workers (OFWs) matapos ang naganap na pamamaril ng kanilang amo sa Beirut, Lebanon.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) na ang dalawang biktima ay nagtatrabaho bilang household service workers at iisa ang kanilang amo.
Sila ay pinagbabaril matapos ang hostage incident noong Abril 15.
Naaresto na ng mga otoridad ang kanilang employer kung saan inihahanda na ang kaso laban dito.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DMW sa Embahada ng Pilipinas sa Lebanon ganun din sa mga lokal na otoridad para matiyak ang malalimang imbestigasyon at legal na aksyon.
Tiniyak din ni Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac ang tulong na ibibigay sa pamilya ng mga nasawing OFW.
















