Napatay ang limang katao sa serye ng air strikes at drone attacks ng Israel sa Southern Lebanon ngayong Sabado, Hunyo 20, ilang oras lamang matapos maging epektibo ang tigil-putukan sa pagitan ng Israel at ng grupong Hezbollah.
Base sa ulat ng Lebanese state media, naglunsad ang Israeli warplanes at drones ng mga pag-atake sa Nabatieh area magdamag hanggang nitong umaga ng Sabado.
Napinsala ng mga pambobomba ang ilang residential building at mga kabahayan. Nagpakawala rin ng artillery fire ang Israel sa Nabatieh at sa mga karatig-lugar nito bago magmadaling-araw.
Matatandaang nitong Biyernes ay nagkasundo ang Israel at Hezbollah sa isang ceasefire kasunod ng matinding labana sa Lebanon. Kinumpirma naman ng isang senior Israeli official at dalawang Hezbollah sources ang kasunduan na opisyal na naging epektibo alas-4:00 ng hapon kahapon.















