Naglunsad ng pag-atake ang Israel sa Lebanon, na bumasag sa ceasefire deal sa armadong grupong Hezbollah noong 2024.
Kumitil ang naturang pag-atake ng isang dosenang katao sa eastern at southern Lebanon.
Batay sa state-run media sa Lebanon, napaslang ang anim na katao sa inilunsad na airstrikes ng Israel sa Bekaa Valley sa silangang parte ng bansa at nag-iwan ng 30 sugatan.
Nagpapatuloy naman ang search operation sa mga survivor sa tinamaang site.
Ayon sa Israeli Army, natamaan nila ang command centres ng Hezbollah sa Baalbek area ng Bekaa habang kinumpirma naman ng isang source mula sa Hezbollah na kabilang sa napatay sa pag-atake ang military leader mula sa armadong grupo.
Nitong Biyernes, nauna ng kinumpirma ng Ministry of Public Health ng Lebanon na napaslang ang dalawang indibidwal sa pag-atake ng Israel sa Ein el-Hilweh camp, ang pinakamalaking Palestinian refugee camp sa naturang bansa.















