Muling pinakawalan ng Russia ang mga aerial drone nitong Martes ng madaling araw sa Kyiv at Odesa, kung saan ilang gusaling residensyal ang nasira at hindi bababa sa dalawang katao ang nasugatan, ayon sa mga opisyal.
Sa Kyiv, ilang oras na tumagal ang pag-ugong ng air raid sirens simula hatinggabi, habang tuluy-tuloy ang pagputok ng mga pagsabog na narinig sa lungsod. Ayon kay Mayor Vitaliy Klitschko, patuloy na nakalulusot ang maraming unmanned aerial vehicles (UAVs) sa kabisera at dalawang sibilyan ang naitalang nasugatan.
Samantala, sa southernpart port ng Odesa, tinamaan ng air strike ang isang maternity ward, ayon kay Andriy Yermak, Chief of Presidential Staff. Tumama rin ang isa pang pag-atake sa isang gusaling tirahan kung saan may isa umanong nasawi, batay sa inisyal na ulat ni Mayor Hennadiy Trukhanov.
Ang mga bagong atakeng ito ay kasunod ng malawakang drone strike ng Russia nitong Lunes, kung saan umabot sa 479 UAVs ang pinakawalan—ang pinakamataas na bilang ng drones na inilunsad ng Moscow sa loob lamang ng isang araw, sa ikalawang sunod na weekend na nagtala ng bagong rekord. (REPORT BY BOMBO JAI)