-- Advertisements --

Naaresto na ng mga otoridad si dating Canadian Olympic snowboarder na si Ryan Wedding.

Si Wedding ay tinaguriang pinakamalaking cocaine distributor sa Canada at 10 most wanted figutive ng FBI na may patong na $15-M sa pagkakahuli nito.

Nadiin ito sa korte dahil sa pagpapatakbo ng criminal enterprise, cocaine trafficking at murder na mula sa US, Canada, Mexico at Colombia.

Sinabi ni FBI Director Kash Patel na inaresto si Wedding sa Mexico at inaayos na ang paglipat nito sa US.

Ilang dekada ito nagtago sa Mexico kung saan kabilang itong nagpapatakbo sa Sinaloa Cartel at kanilang cocaine operations kung saan dinadala nila ito mula Colombia patungong US at Canada.

Pinasalamatan ng FBI ang gobyerno ng Mexico dahil sila ang tumulong para tuluyang maaresto si Wedding.