-- Advertisements --

Inilibing na si Mexican drug lord Nemesio Oseguera Cervantes o kilala bilang si “El Mencho”.

Ang 59-anyos na drug cartel lider ay napatay ng mga Mexican special forces noong Pebrero.

Siya ang lider ng Jalisco New Generation Cartel (CJNG) kung saan may patong ang ulo nito ng $15 milyon.

Ang kaniyang kamatayan ay nagbunsod ng malawakang kaguluhan sa iba’t-ibang bahagi ng Mexico.

Maraming dumalo sa kaniyang libing kung saan nakalagay pa ito sa gintong kabaong.

Nag-alay ng mga bulaklak ang mga kaanak nito at kapansin-pansin ang hugis manok na bulaklak na inilagay sa ibabaw ng kabaong nito.

Karamihan sa mga nakilibing ay itinago ang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pagsusuot ng facemask.