-- Advertisements --
Nag-alok na ang Guthrie family ng $1-milyon na reward sa sinumang makakapagbigay na impormasyon sa kinaroroonan ni Nancy Guthrie.
Sa social media account ng anak nitong si Savannah, na labis na silang nababahala sa kalagayan ng 84-anyos na ina nila.
Mula pa kasi noong Pebrero 1 ay hindi na nakita pa sa kanilang bahay ang ina.
Ang nasabing reward ay bukod pa sa $100,000 na unang ibibigay ng FBI sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan ng biktima.
Magugunitang naglabas ng video ang mga otoridad kung saan makikita ang isang lalaki na pumasok sa bahay ng ina nila.















