-- Advertisements --
Nababala si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na kanilang papaulanin ng missiles ang mga government offices ng Iran.
Sinabi nito na kasama nila ang US kung saan tiyak na mararamdaman ang puwersa at bigat ng atake.
Sa mga susunod aniya na araw ay magbibigay sila ng mga kondisyon na dapat piliin ng mga Iranian.
Mahalaga na gumawa na rin ng hakbang ang mga Iranians na malayo sa kontrol ng mga Ali Khamenei na unang nasawi sa atake ng US at Israel.
Una rito ay hindi tumigil ang Israel sa pag-atake sa mga pangunahing lugar ng Iran kung saan umabot na sa mahigit 1,000 katao ang nasawi.
















