-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ng mga kapulisan sa Canada ang naganap na pamamaril sa US consulate na matatagpuan sa Toronto.

Itinuturing ng mga otoridad na isang uri ng “national security incident” ang pangyayari.

Nangyari ang insidente dakong alas-8 ng umaga kung saan nakarekober ang mga otoridad ng ilang basyo ng bala.

Nagtamo rin ng mga damyos ang gusali dahil sa nasabing pamamaril subalit walang nasaktan na mga tao.

Nakikipag-ugnayan na ang Toronto police sa US State Department kung saan hinigpitan nila ang seguridad sa lugar.

Sinabi ni Frank Barredo, deputy chief ng Toronto Police, isang puting Honda CR-V ang lumapit sa US consulate kung saan bumaba ang dalawang lalaki at doon pinagbabaril ang gusali gamit ang hindi malamang uri ng hand gun.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang insidente ng pamamaril.

Ang insidente ay ilang araw matapos ang naganap na pagsabog sa labas ng US embassy ng Oslo, Norway.