-- Advertisements --

Patuloy na tinutugis ng kapulisan sa Mexico ang mga inmates na tumakas sa kulungan ng Puerto Vallarta.

Nakatakas ang nasabing mga inmates matapos na atakihin ng Jalisco New Generation Cartel (CJNG) ang jail facility.

Isa lamang ito sa mga insidente na resulta ng inilunsad na kaguluhan mula ng mapatay ng mga otoridad ang lider ng cartel na si Nemesio Oseguera Cervantes o kilala bilang si “El Mencho”.

Sa nasabing insidente ay mahigit 70 katao ang nasawi kabilang ang 25 National Guard members.

Para maibsan ang kaguluhan ay nagpakalat ang gobyerno ng Mexico ng mahigit 10,000 na sundalo kung saan may ilang miyembro ng cartel ang inaresto na rin.