-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang Los Angeles.

Ayon sa US Geological Survey, naramdaman din ang magnitude 4.6 labas ng Manhattan Beach.

Nagtala rin ng maraming mga aftershocks kabilang ang magnitude 3.8 na naramdaman sa Manhattan Beach.

Unang naiulat ang lindol ng 9:30 ng umaga sa anim na milya sa Manhattan Beach.

Mayroong lalim ito ng hanggang 5.6 miles at mga aftershocks na may lalim ng 3 hanggang 2.5 magnitude.

Nagtamo naman ng pinsala ang Los Angeles Airport dahil sa lindol kung saan nabasag ang ilang mga bintana.