-- Advertisements --

Nagkasagupa ang mga kapulisan at protesters sa Albania.

Gumamit na ng water cannon at tear gas ang mga kapulisan para maitaboy palayo ang mga protesters na nagtangkang lumapit sa mga opisina ng gobyerno.

Hindi naman nagpatinag ang mga protesters kung saan gumamit silang mga improvised na petrol bombs sa protesta na ginanap sa Tirana ang capital city ng bansa.

Base sa pagtaya ng health ministry sa nasabing bansa na aabot sa 35 katao na ang nasugatan.

Nagsimula sa mapayapang kilos protesta ng humalo ang ilang mga nakamaskarang indibidwal at doon sinimulan basagin ang mga bintana ng opisina ng gobyerno.

Ikinagagalit kasi ng Flamingo Revolution ang patuloy na nagaganap na kurapsyon sa bansa kasama na ang mahinang healthcare facilities at kawalan ng tulong sa mga kabataan.

Nitong Nobyembre 28 kasi ay public holiday sa bansa dahil ito ay ika-114 anibersaryo ng declaration of independence kaya isinabay ng mga protesters.

Ipinanawagan din nila ang pagbibitiw ni Prime Minister Edi Rama dahil sa kawalan ng aksyon sa mga hinaing ng kanilang mamamayan.