Nanawagan ang Philippine National Police (PNP)sa negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang na ito ay sumuko na lamang.
Sinabi ni Police Brigadier General Allen Rae Co, ang hepe ng Public Information Office (PIO) ng Philippine National Police (PNP) na ito na ang tamang panahon para ito ay sumuko na kung naniniwalang ito ay inosente sa kaso.
Ang nasabing pahayag ay kasunod ng paglabas ng panibagong warrant of arrest laban kay Ang na iniuugnay siya sa kaso ng pagkawala ng mga sabungero.
Lahat ng impormasyon aniya ay biniberipika ng PNP sa kinaroroonan ni Ang.
Una ng nagbigay ng P20-milyon na reward money ang mga otoridad para sa mabilis na mahanap ang puganteng si Atong Ang.
Magugunitang naglabas ng arrest warrant ang Manila Regional Trial Court Branch 175 laban kay Ang at ang dismissed na si Police Lieutenant Ryan Jay Orapa dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa pagkawala ng sabungero.













