Iginiit ng Malacañang na Hindi maituturing na extradition ang paglilipat kay dating pangulong Rodrigo Duterte sa Netherlands upang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kaniya sa International Criminal Court.
Ayon sa Palasyo, hindi isang estado kundi isang International Tribunal ang naglabas ng warrant of arrest laban kay Duterte.
Dahil dito, hindi umano naaangkop ang proseso ng extradition batay sa pananaw ng ehekutibo at Department of Justice.
Iba rin umano ang sitwasyon ni Duterte sa kay Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy, na nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa umano’y human at sex trafficking sa EstadosUnidos.
Aniya, ginagamit ang extradition sa mga kasong state-to-state.
Samantala, nasa kustodiya na ng ICC si Duterte mula Marso 2025 kaugnay ng mga kasong crimes against humanity na nag-ugat sa kaniyang kampanya kontra droga.
Nakatakdang magsimula ang paglilitis sa kaniya sa nobyembre 30.
Ayon sa datos ng pamahalaan, mahigit 6,000 ang nasawi sa mga operasyon kontra droga, habang mas mataas naman ang tantiya ng mga human rights group na umaabot sa 20,000 hanggang 30,000 ang bilang ng mga namatay.














