-- Advertisements --

Maghahain ng motion for reconsideration ang pamilya at mga tagasuporta ni dating pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng pagbasura ng Korte Suprema sa mga petisyon para sa writ of habeas corpus na inihain ng kaniyang mga anak laban sa pag-aresto at paglilipat sa kaniya sa kustodiya ng International Criminal Court.

Ayon kay Atty. Paolo Panelo, tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte, dismayado sila sa desisyon ng korte na ibinasura ang mga petisyon dahil moot and academic na ang usapin, dahil nasa kustodiya na ng ICC si Duterte sa Netherlands.

Giit ni Panelo, hindi nito natalakay ang legalidad ng pag-aresto at paglilipat kay Duterte sa the Hague noong Marso 11, 2025.

Aniya, maaari nitong pahinain ang bisa ng writ of habeas corpus kung maiiwasan ang pagsusuri ng korte sa pamamagitan lamang ng paglilipat sa isang taong nakakulong sa labas ng bansa.

May ilang mahistrado rin umanong nanindigan na dapat sanang talakayin ang konstitusyonalidad ng pag-aresto at pagsuko kay Duterte sa ICC.

Nagpahayag din ng pagkadismaya si PPP party-list representative Harold Duterte sa naging desisyon ng korte suprema. Aniya,

Hindi dapat isuko ang sinumang Pilipino sa isang dayuhang hukuman para sa umano’y pampulitikang konsiderasyon.