-- Advertisements --
Nabigyan na ng Australian visas ang limang miyembro ng Iranian women’s football team.
Sinabi ni Immigration Minister Tony Burke na matapos na mabigyan ang limang humanitarian visas ay inilipat na ang mga ito sa ligtas na lugar.
Sinabihan na rin ang ibang mga miyembro na handa silang mabigyan din ng parehas na visas.
Nakatakda sanang umuwi na ang mga manlalaro subalit ikinakabahala ito ng mga supporters nila na baka may gawing negatibo ang gobyerno nila.
Nagbunsod ang insidente sa pagsali ng Iran sa elimination ng Asian Cup laban sa South Korea.
Tumangging kumanta ng kanilang national anthem ang mga Iranian na maituturing na isang pagprotesta at isang pagtataksil sa kanilang bansa.
















