-- Advertisements --

Tiniyak ng Malacañang na sapat ang suplay ng  gasolina at  pangunahing bilihin sa bansa sa kabila ng pagtaas ng presyo ng langis bunsod ng tensyon sa Gitnang Silangan. 

Ayon kay Palace Press Officer USec., Claire Castro na sa ngayon ayon sa DTI, wala pa namang paggalaw sa presyo sa mga basic commodities sa NCR at sa ibang mga rehiyon.

Dagdag pa ng Palasyo, anumang hindi pangkaraniwang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at produktong petrolyo ay dapat agad iulat sa DTI at Department of Energy (DOE).

Nagsimula na rin ngayong araw ang ilang kompanya ng langis na magpatupad ng tatlong araw na sunud-sunod na dagdag-presyo sa produktong petrolyo. 

Gayunpaman, sinabi ni Castro na nakahanda ang pamahalaan upang mabawasan ang epekto ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Pinayuhan ng Malakanyang ang publiko na huwag mag-panic buying sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis dahil sa tensyon sa Middle East.

Binalaan din ni Castro ang mga negosyanteng maaaring mag-hoard o magtaas ng presyo nang hindi makatarungan.

Aniya, haharap sa kaso at parusa ang sinumang mahuhuling nagsasamantala sa kasalukuyang sitwasyon.