-- Advertisements --

Nagdulot na kaguluhan sa Mexico matapos mapatay ng mga otoridad si Mexican cartel boss Nemesio “El Mencho” Oseguera Cervantes.

Nagwala ang mga miyembro ng drug cartel kung saan nilusob nila ang ilang mga opisina ng gobyerno.

Kinumpirma ni Mexican President Claudia Sheinbaum na mayroong 25 miyembro ng Mexican National Guard ang nasawi kabilang ang prison guard at personnel mula sa State Attorney General’s office.

Kasamang napatay din sa operasyon ang walong miyembro ng drug cartel.

Kinumpirma ng US na tumulong sila sa pagbibigay ng intelligence report para maaresto si Cervantes.

Nagpakalat na ang Mexican President ng 2,500 na sundalo sa Jalisco at katabing lugar para mabantayan ang pagganti ng mga miyembro ng drug cartels.