Hiniling ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos ang isang congressional briefing kaugnay ng lumalalang tensyon sa Middle East upang masubaybayan ang sitwasyon at matiyak ang kaligtasan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa rehiyon.
Sinabi ni Majo Marcos, inatasan ng pamunuan ng Kamara sa ilalim ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang House Committees on Foreign Affairs at Overseas Workers Affairs na magsagawa ng joint briefing sa March 11,2026.
Layunin ng briefing na makakuha ng pinakabagong ulat tungkol sa sitwasyon sa Middle East at kahandaan ng pamahalaan na tumulong sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa mga apektadong bansa.
Inaasahang iimbitahan ang mga opisyal mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW)upang magbigay ng datos sa bilang ng mga Pilipino sa mga apektadong lugar, kasalukuyang kondisyon ng seguridad, at mga contingency plan tulad ng posibleng paglikas o repatriation kung kinakailangan.
Binigyang-diin ni Marcos na mahalaga ang papel ng OFWs sa pagsuporta sa milyun-milyong pamilyang Pilipino at sa katatagan ng ekonomiya ng bansa, kaya’t dapat tiyaking handa ang gobyerno na protektahan ang kanilang kapakanan.
“With a significant number of Filipinos working across the Middle East, it is important that we stay ahead of developments and ensure that the necessary support mechanisms are in place. Our overseas Filipino workers play a vital role in supporting millions of Filipino families and contributing to the country’s economic stability. At a time of uncertainty in the region, it is important that government remains fully prepared to protect their welfare and provide assistance when needed, pahayag ni Majority Leader Marcos.”
















