Sinabi ni Senate Committee on Finance chair Sherwin Gatchalian na kaialngan ng pamahalaan ng karagdagang P7-bilyon upang masuportahan ang posibleng repatriation ng mga Overseas Filipino Workers sakaling lumala pa ang tensyon sa Middle East.
Ayon kay Gatchalian, tinatayang aabot sa P13-bilyon nag kabuuang pondo na kakailanganin upang maibalik sa bansa ang mga OFW, kabilang na ang mga undocumented workers. Sa kasalukuyan may nakalaan nang P6-bilyon mula sa 2026 national budget para sa repatriation efforts.
Matatandaan na sa pagdinig sa senado noong Byernes, Marso 6, sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) na kinakailangan nila ng sapat na budget para pondohan ang pagpapauwi sa mga Pilipino sa Gitnang Silangan kung sakaling lumala ang digmaan doon.
Samantala, sinabi naman ni Gatchalian na kailangang pag-aralan mabuti ang panukalang suspindihin ang excise tax sa langis at gawin lamang itong huling opsyon sa gitna ng banta ng malaking pagtaas ng presyo ng petrolyo epekto ng tensyon sa Middle East.
Aniya, kapag sinuspinde ang excise tax, mababawasan ang koleksyon ng pamahalaan na maaring makaapekto sa mga serbisyong ibinibigay sa publiko. Dagadag pa niya, hindi rin aniya pantay ang ganitong hakbang dahil mas malaki ang konsumo ng langis ng mga mayayama kumapra sa mahihirap.
Hindi rin pabor si Gatchalian sa pagsuspinde ng value-added tax (VAT) sa langisa dahil mas kumplikado ang sistema nito, lalo na sa usapin ng input at output tax ng mga supplier.
Sa huli, nanawagan ang senador sa Department of Energy (DOE) na mahigpit na bantayan ang mga kumpanya ng langis maging ang mga retailer sa posibleng pananamantala sa presyo ng langis sa gitna ng isaahasang malaking-taas presyo nito.
















