-- Advertisements --
Mas luminaw na ngayon sa mga fans ng Hollywood actress na si Emma Watson na ito ay may relasyon kay billionaire Mexican entrepreneur Gonzalo Hevia Baillères.
Kasunod ito sa pagkalat ng video na nakita ang dalawa na naghahalikan sa isang paliparan.
Bago pa man ang pagkalat ng video ay nakita pa ang dalawa na magkasama sa isang restaurant.
Mula pa noong nakaraang taon ay madalas na makita ang dalawa na magkasama.
Si Bailleres ay isa sa mga pinakamayamang tao sa Mexico na ang negosyo ay may kinalaman sa minahan, insurance, retail at finance.
Habang huling gumawa ng pelikula ang aktres ay noong 2019 sa “Little Women” at matapos noon ay ipinagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral.
















