Nanawagan si Senate President Panfilo “Ping” Lacson sa publiko na i-report sa mga awtoridad ang mga gasolinahang maaga nagtatas ng presyo ng langis bago pa ang itinakdang schedule ng oil price adjustment.
Ayon kay Lacson, ang maagang pagtataas ng presyo o sobrang pagbili ng langis para iimbak ay maaring lumabag sa Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998 at Consumer Act of the Philippines. Kung saan maaring managot ang mga lumalabag sa ilalim ng probisyon laban sa hoarding, profiteering at mapanamantalang paraan ng pagbebenta.
Kaugnay nito, pinayuhan ng senador ang publiko na agad i-report sa Philippine national Police (PNP) at sa kanilang lokal na pamahalaan ang mga establisyimentong lumalabag sa patakaran. Aniya, mahalaga ang pagbabantay ng publiko upang maprotektahan ang mga mamimili laban sa pangaabuso sa presyo.
Samantala, Nauna nang nagbigay ng direktiba ang Department of Energy (DOE) sa PNP na at mga lokal na pamahalaan na bantayan at i-report ang mga ganitong paglabag upang agad maisampa ang kaukulang kaso laban sa mga operator ng gasolinan.
Habang naghahanda na ang publiko sa panibagong pagtaas ng presyo ng langis sa bansa dahil sa pagtaas ng presyo nito sa pandaigdigang merkado kasunod ng tensyon sa Middle East.
Inaasahang maaring tumaas ang presyo ng Kerosene ng hanggang P24.92 kada litro, diesel ng P19.62, at gasolina ng P10.43, inaasahan namang iaanunsyo ang pinal na oil price adjustment sa Lunes, Marso 9.
















