-- Advertisements --

Sa nagpapatuloy na oral arguments para sa 2/3-vote conviction, tinanong ni Sen. Bam Aquino ang House Prosecution panel at ang Defense panel kung i-aakyat ba nila sa Supreme Court, sakaling hindi papabor sa kanilang argumento ang desisyon ng Senate Impeachment Court.

Ayon kay defense counsel, Atty. Michael Poa, malaki ang posibilidad na i-aakyat nila sa kataas-taasang hukuman ang naturang desisyon.

Nanindigan si Poa na sinimulan at hinarap ng kampo ni VP Sara ang paglilitis sa pag-aakala at pananaw na kakailanganin ng 16 votes para ma-convict ang isang impeachable official.

Kung sakali mang mabago ang naturang reshold, ayon kay Poa, malaki aniya ang posibilidad na maghahain ang kampo ng pangalawang pangulo ng petisyon sa SC upang i-apela ang naturangdesisyon.

Para naman kay Rep. Chel Diokno, may exclusive na kapangyarihan at otoridad ang Senado na desisyunan ang naturang isyu, bilang impeachment court.

Nanindigan din ang batikang abogado na may mga jurisprudence nang sumusuporta sa naturang posisyon.