Nanawagan si Senator-Judge Camille Villar ng respeto sa kanyang mga kapwa Senador matapos maging emosyonal habang tinutulan ang naging pahayag ni Senator-Kudge Erwin Tulfo tungkol sa mga senator-judge na kasalukuyang nakakulong at hindi nakadadalo sa impeachment trial.
Sa kanyang interpolation, iginiit ni Tulfo na dapat suriin kung paano nakaaapekto sa computation ng two-thirds vote ang mga kasalukuyang pangyayari, partikular ang hindi paglahok ng ilang Senador sa impeachment trial.
Sinabi rin ni Tulfo na maaaring hindi umano naisaalang-alang ng mga framers ng 1987 Constitution ang kasalukuyang sitwasyon kung saan may mga senador na nahaharap sa mga kasong gaya ng plunder at iba pang criminal charges.
Dahil dito, naging emosyonal si Senator-judge Camille Villar at ipinagtanggol ang kanyang mga kapwa senator-judge na nakakulong.
Giit ni villar, hindi nila piniling hindi dumalo sa trial at hindi pa sila nahahatulan sa mga kasong kinakaharap.
Nanawagan si Villar sa kanyang mga kasamahan na iwasan ang personal na pag-atake at panatilihin ang respeto sa isa’t isa.
Aniya, hindi dapat tawaging plunderer o magnanakaw ang mga Senador na hindi pa napatutunayang nagkasala.
Sa kanyang kasunod na manifestation, nilinaw naman ni Sen Judge Tulfo na hindi niya sinabi na convicted na ang mga detained Senator-Judges.
Aniya, ang tinutukoy niya ay mga Senador na “Charged with” ng mga naturang kaso at hindi mga nahatulan o convicted sa mga offense.
















