-- Advertisements --

Magkakabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis dagdag presyo para sa kanilang produktong petrolyo.

Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P5.18 na pagtaas sa kada litro ng diesel.

Habang ang gasolina ay mayroong pagtaas ng hanggang P4.69 sa kada litro at ang kerosene ay umabot naman sa P5.58 ang pagtaas sa kada litro.

Isa sa mga nakitang dahilan ng Department of Energy (DOE) ay ang panibagong airstrikes ng US sa Iran.