-- Advertisements --

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation na sila’y inatasan ng Office of the Ombudsman na magsagawa ng imbestigasyon ukol sa 18-nagpakilalang mga dating sundalo.

Sa panayam, ibinahagi mismo ni Bureau of Investigation Dir. Atty Melvin Matibag na ‘dineputized’ sila ng tanod-bayan para suriin ang kredibilidad ng mga ito.

Bagama’t may inisyal ng imbestigasyon aniya silang nasimulan, titingnan pa rin ng kawanihan ang patungkol sa pagkatao o ‘background’ ng mga nabanggit.

Giit kasi ng naturang opisyal na kinakailangan maberipika o ma-validate ang mga nag-aakusang indibidwal bago tuluyang imbestigahan ang mga pinangalanan dawit sa korapsyon.

Pagtitiyak naman ng kawanihan na hindi isasantabi ang mga alegasyon laban sa mga opisyal nakatanggap umano ng male-maletang pera.

Titingnan aniya nila lahat ng anggulo ngunit prayoridad maimbestigahan muna ang naturang grupo binubuo ng mga dating sundalo.